Kinasasabikan ni Maija na anak ng aking kaibigan ang panahon ng kanyang paglalaro. Natutuwa siya na pagsamasamahin ang kanyang mga manika mula sa iba’t-ibang grupo ng laruan para maging isang bagong pamayanan.
Naalala ko sa pagiging malikhain ni Maija ang layunin ng Dios sa mga kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus. Sinabi naman ni Lucas, “Nang panahon ding iyon, doon sa Jerusalem ay may mga relihiyosong Judio na nanggaling sa ibaʼt ibang bansa sa buong mundo” (GAWA 2:5). Kahit na ang mga taong ito ay mula sa ibang kultura at nagsasalita ng ibang wika, tinulungan sila ng Banal na Espiritu na makabuo ng isang bagong komunidad na pinagbuklod ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo.
Ang mga nanguna sa grupong ito ay ang mga tagasunod ni Jesus. Kung hindi sila pinagkaisa ni Cristo, hindi sila magkakasama-sama. At dahil dito, may tatlong libong kaluluwa ang nagtiwala sa Panginoong Jesus (TAL . 41). Salamat sa Banal na Espiritu, ang grupong minsang hiwa-hiwalay ay magkakasama at nagpapahayag sa lahat ng mga bagay (TAL . 44).
Nagpapatuloy ang Banal na Espiritu upang pag-isahin ang mga tao at grupo. Maaaring hindi tayo magkasundo sa lahat ng panahon, pero dahil tayo ay sumasampalataya kay Cristo, tayo ay bahagi ng iisang katawan.