Naabutan ng nanay ko ang aking pusa na si Velvet na kinakain ang tinapay na naiwan sa kusina. Sa inis niya ay agad niya itong pinalabas ng kusina. Makalipas ang ilang oras, hindi na namin ito makita kahit saan kami maghanap hanggang sa marinig ko ang pusa mula sa itaas ng isang puno.
Sa kagustuhan ng pusa na makatakas sa galit ni nanay, napunta siya sa mas mahirap na sitwasyon. Nangyari na din ba sa atin na sa kagustuhan nating makatakas sa ating mga kasalanan ay lalo tayong nalalagay sa alanganin? Pero ganoon man, ang Dios pa rin ang palaging sa atin ay nagliligtas.
Tinakasan din ni Propeta Jonas ang utos sa kanya ng Dios na magpahayag sa Nineve at nilunok siya ng malaking isda. Sa loob ng tiyan ng malaking isda ay nanalangin siya ng ganito: “Tinawagan ko ang Panginoon mula sa aking pagdadalamhati at Siya’y sumagot sa akin” (JONAS 2:2 ABAB). Sumagot ang Dios sa panalangin ni Jonas “at inutusan ng Panginoon ang isda at iniluwa nito si Jonas sa tuyong lupa" (TAL. 10 ABAB). Pagkatapos, binigyan pa ng Dios si Jonas ng isa pang pagka-kataon (3:1).
Nang hindi namin mapababa ang pusa, nagpatulong kami sa bombero para ligtas itong maibaba sa puno.
Ang pagmamahal ng Dios ang magliligtas sa atin sa anumang kalagayan na ating kinasasadlakan.