Isa sa mga palaisipan sa pagpatay sa presidente ng Estados Unidos na si John F. Kennedy ay ang babaeng“babushka” o telang pantakip sa ulo. Nakita itong kinukuhanan ang pagpatay sa presidente pero hindi na ito kailanman nakita pa ng mga pulis para makuha ang ebidensya na hawak nito. Hula ng marami ay natakot ang babae kaya nanahimik na lamang ito tungkol sa insidente.
Hindi na nakapagtataka kung bakit ang mga tagasunod ni Jesus ay nagsipagtago sa takot sa mga pumatay sa kanilang Panginoon. Pero dahil sa pagkabuhay na muli ni Jesus at pagdating ng Espiritu Santo, naging matapang sila sa pagpapahayag ng kanilang mga nasaksihan. Sa araw ng Pentecostes, si Pedro na puspos ng Espiritu Santo ay nagsalita ng ganito: “Kaya’t dapat malaman nang may katiyakan ng buong sambahayan ng Israel na ginawa Siya ng Dios na Panginoon at Cristo, itong si Jesus na inyong ipinako sa krus” (MGA GAWA 2:36).
Ang pagpapahayag tungkol kay Jesus ay hindi lamang nakalaan sa mga pastor o sa mga may kakayahan lamang. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ay magagawa rin nating ibahagi sa iba ang tungkol sa ating Tagapaglitas.