Kahit anong pagbali-baliktad sa pagkakahiga ang gawin ko nitong mga gabing nagdaan ay nahihirapan pa rin akong makatulog dahil sa pag-iisip ko ng solusyon sa aking problema. At dahil sa puyat ay wala akong sapat na lakas para sa susunod na araw.
Marami tayong mga alalahanin katulad ng mga mga problema sa pakikitungo natin sa iba at sa mga mangyayari sa hinaharap.
Marami ring pinoproblema si Haring David nang isulat niya ang talatang 4 ng Salmo. Kabi-kabila ang mga paninira sa kanya at pinagdududahan din ang kakayahan niyang mamuno. Maaaring maraming gabi din siyang nabahala dahil sa mga bagay na ito pero mababasa natin ang mga sinabi niya sa Salmo 4:8: “Payapa akong hihiga at gayundin ay matutulog.”
Ipinaliwanag ito ni Charles Spurgeon, “Mahimbing na natulog si David dahil ipinaubaya niya nang lubusan ang kanyang sarili sa Dios. Ito ang tunay na pagtitiwala.”
Sa una pa lang ay naniniwala na si David na ang Dios ang patuloy na sasagot sa kanyang mga panalangin at magbibigay ng kanyang mga pangangailangan
Kahit sa harap ng mga pagsubok ay makakatulog pa rin tayo ng mahimbing dahil tutulungan tayo ng Dios na magtiwala sa kanya.