Minsan, naikuwento sa akin ng kaibigan ko na naabutan niyang nanunuod ng balita ng karahasan ang binatilyo niyang anak. Agad niyang pinatay ang telebisyon kahit na ayaw nito. Nagkaroon pa sila ng pagtatalo at sa huli ay pinayuhan niya ang kanyang anak na sanayin nito ang kanyang sarili na mag-isip ng “anumang bagay na totoo, anumang bagay na kagalang-galang, anumang bagay na malinis, anumang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na kapuri-puri, kung mayroong anumang kagalingan, at kung may anumang nararapat papurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito” (FILIPOS 4:8).
Pagkatapos nilang maghapunan ay nanood naman sila ng balita ng kanyang asawa nang biglang patayin ng limang taong gulang niyang anak ang telebisyon. Ginaya nito ang sinabi ng nanay, “Huwag kayong manonood niyan. Ano ba ang sinasabi sa Biblia?”
Iniisip natin na kaya nating intindihin ang mga balita kaysa sa ating mga anak. Pero ang sinabi ng batang babae ay nakakatuwa at mayroon ding karunungan. Naaapektuhan pa rin ng mga malulungkot na balita kahit na ang mga matatanda na kayang intindihin ito. Kung ang lagi nating iisipin ay ang mga bagay na sinabi ni Pablo sa aklat ng Filipos, maiiwasan nating maapektuhan ng kalungkutan sa mga nangyayari sa mundo.
Ang pagiging maingat sa ating mga iniisip at pag-iingat sa nilalaman ng ating puso ay nagbibigay ng kapurihan sa Dios.