Isang buwang wala ang aking asawa kaya naiwan sa akin ang lahat ng gawain sa bahay at ang pag-aalaga sa mga bata. Hindi ko alam kung paano pagsasabayin ang gawaing bahay at paghahabol ko ng deadline sa aking isinusulat. Dumadagdag pa sa problema ang pagkasira ng panggapas ng damo.
Mabuti na lang at pinuntahan ako sa bahay ng mga kaibigan ko sa simbahan para tulungan. Inayos ni Josh ang nasirang panggapas ng damo, dinalhan ako ng tanghalian ni John, tinulungan ako sa paglalaba ni Cassidy at inimbita naman ni Abi ang mga anak ko sa bahay nila para magkaroon ako ng oras sa pagsusulat. Ginamit ng Dios ang mga kaibigan ko para tulungan ako. Ganitong uri ng pagsasamahan ang sinasabi ni Pablo sa Roma 12, nagmamahalan (T . 9), inuuna ang kapakanan ng iba (T . 10), at nagtutulungan (T . 13).
Dahil sa ipinakitang pagmamahal ng mga kaibigan ko, nanatili akong may galak at mapagtiis sa paghihirap (T .12), kahit sa hirap na mag-isang asikasuhin ang pamilya sa isang buwan. Nakita ko sa kanila ang mapagmahal na katangian ng Dios. Gusto kong tularan ang ipinakita nilang halimbawa kung paano ibigin ang iba lalo na ang kapwa tagasunod ni Jesus (GALACIA 6:10).