Pagkatapos ng dalawang dekadang paninilbihan niya bilang piloto ng helikopter, inilaan na lang ni James ang panahon niya sa pagtuturo sa kanilang lugar. Pero hinahanap-hanap niya pa rin ang dating ginagawa kaya pumasok siya bilang piloto ng helikopter sa isang ospital. Nagtrabaho siya dito hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.
Kaya naman noong inilibing siya, nagpalipad din ng helikopter paikot sa sementeryo bilang pagpaparangal sa kanya sa huling pagkakataon.
Nagbigay parangal din si David sa kamatayan nina Haring Saul at Jonatan sa pamamagitan ng isang kanta na tinawag na “Awit Tungkol Sa Pana,” “O Israel ang mga dakilang mandirigma mo’y namatay sa kabundukan mismo ng Israel. Napatay din ang mga magigiting mong sundalo” (2 SAMUEL 1:18-19). Matalik na kaibigan ni David si Jonatan at kahit na naging magkalaban sila ni Haring Saul, pareho niya pa ring pinarangalan ang mga ito: “magdalamhati kayo para kay Saul, nagdadalamhati ako sa iyo, Jonatan kapatid ko!” (TAL . 24, 26).
Masakit ang magpaaalam sa mga taong mahahalaga sa atin. Pero sa mga nagtitiwala sa Panginoon, kasiyahan natin ang magparangal sa mga taong nagsilbi sa iba.