Balak kong sunduin ang asawa kong si Cari galing sa trabaho isang araw. Nasa pintuan na ako kaya ginamit ko ang voice prompt ng aking telepono para itanong sa kanya kung saan ko siya susunduin.

Sa kasamaang palad, naiba ang mensaheng naipadala ng voice prompt kaya naging katawa-tawa ang nakarating sa kanyang mensahe, “old gal” ang sinabi ko, pero “old cow” ang nakarating sa kanya.

Mabuti na lang, naintindihan pa rin ni Cari ang gusto kong sabihin sa kanya kahit ganoon ang nangyari. 'Di nagtagal, kinuwento niya ito sa mga kaibigan niya sa social media at nagtanong siya kung dapat ba iyong ikapikon. Naging isa na lamang katatawanan para sa aming dalawa ang nangyari.

Dahil sa pagiging maunawain ng asawa ko doon sa maling salita, naisip ko na maunawain din ang Panginoon sa ating mga panalangin. Kadalasan, hindi natin alam ang sasabihin natin sa panalangin pero ang Banal na Espiritu ang “namamagitan sa Dios para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na 'di natin kayang sabihin” (ROMA 8:26).

Makakaasa tayo na naiintindihan ng Ama natin sa langit ang ating mga panalangin kahit hindi natin ito masabi sa tamang paraan.