Isang malakas na sigaw ang narinig sa kadiliman ng hapon. Natakpan nito ang mga pag-iyak ng mga kaibigan at tagasunod ni Jesus, maging ang pagdaing ng dalawang kriminal na nasa tabi ni Jesus. Namangha ang marami sa sigaw na ito.
“Eloi,Eloi, lema sabachtani?”, puno ng paghihirap na sigaw ni Jesus habang nakabitin sa nakakahiyang krus ng Golgota (MATEO 27:45-46).
“Dios ko, Dios ko, bakit Mo Ako pinabayaan?”, sabi Niya.
Palaging magkaisa at magkasama si Jesus at ang Dios Ama kahit noong pasimula pa. Magkasama Nilang nilikha ang mundo, ginawa ang tao at itinakda ang pagliligtas sa sanlibutan. Magkaisa Sila sa lahat ng bagay.
Pero sa kauna-unahang pakakataon, habang naghihirap Siya sa krus, naramdaman ni Jesus ang pagkahiwalay sa Dios dahil sa pasan Niya ang lahat ng kasalanan ng mga tao.
Ito lang ang natatanging paraan. Sa pamamagitan lang ng pagkahiwalay na ito magkakaroon ng kaligtasan ang mga tao. At dahil sa pagtitiis ni Jesus sa pagkawalay sa Ama kaya nagkaroon tayo ng pagkakataon na makipag-isa sa Dios.
Salamat Panginoong Jesus sa pagtitiis Mo ng hirap para sa kapatawaran ng aming mga kasalanan.