Minsan, umupo kami ng kaibigan ko sa may tabingdagat. Natutuwa siya habang pinagmamasdan namin ang bawat paggalaw ng alon. Hindi na raw kasi kailangan pang umalis ng kaibigan ko sa puwesto niya, dahil kusang lumalapit ang alon na walang tigil sa paghampas sa aming mga paa.
Hindi man tayo katulad ng alon, pero para sa atin mahirap ang tumigil sa ating mga ginagawa dahil natatakot tayong lalo pang madagdagan ang mga ito.
Sinabi sa Lumang Tipan ng Biblia na ipinamalas ng Dios ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng Kanyang mga ginawa. Sinabi sa Awit, “Halika, tingnan mo ang mga kahangahangang bagay na ginagawa ng Panginoon sa mundo. Kanyang pinatitigil ang mga digmaan sa lahat ng sulok ng mundo. Binabali Niya ang mga sibat, pinuputol ang mga pana, at sinusunog ang mga kalasag” (46:8-9).
Maraming ginagawa ang ating Dios na siyang kumikilos para ayusin ang anumang kaguluhan sa ating buhay. Kaya naman, kahit na marami tayong ginagawa, ipinapaalala ng Dios na huminto at parangalan natin Siya (TAL . 10).
Hinihikayat tayo ng Dios na huminto muna at sulitin ang mga oras para mas makilala natin Siya. Maaari tayong huminto sa ating mga gawain dahil mayroon tayong Dios na hindi tumitigil na tulungan, ingatan at bigyan tayo ng kapayapaan. Makakaasa tayo na bibigyan Niya tayo ng kapanatagan.