Binigyan ako ng asawa ko ng isang tuta na pinangalanan naming Max. Minsan, narinig ko na tila may napupunit na papel habang nag-aaral ako. Paglingon ko, nakita ko si Max. Katabi niya ang isang libro habang subo ang isang pahina sa kanyang bibig.
Dinala namin si Max sa beterinaryo at sinabi nito na ang aming tuta ay dumadaan sa proseso ng pagtanda. Kapag nagsisimula nang mapalitan ang mga ngipin ng isang tuta, kinakagat niya ang iba’t ibang bagay. Ginagawa niya ito para guminhawa ang pakiramdam ng kanyang gilagid. Binabantayan naman namin si Max para hindi siya makakagat ng mga bagay na makakasama sa kanya.
Sa aking pagbabantay kay Max, naisip ko tuloy kung nababantayan ko ba ang mga pumapasok sa aking puso at isipan na makakasama sa akin. Sinusuri ba natin kung anong mga bagay ang makakatulong sa atin sa tuwing nanonood tayo ng telebisyon o nag-iinternet? Hinihikayat naman tayo ng Biblia, “Gaya ng sanggol, kayo'y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal upang lumago kayo sa pananampalataya hanggang makamtan ninyo ang ganap na kaligtasan, sapagkat sinasabi sa kasulatan, “Naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon” (1 PEDRO 2:2-3 MBB). Kailangan din naman nating basahin araw-araw ang Salita ng Dios nang sa gayon, lalong tumibay ang ating pagtitiwala kay Jesus.