Naghahanap ako ng isang magandang card para sa aking tatay dahil Araw ng mga Ama. Kahit nagkaayos na kami mula sa isang hindi pagkakaunawaan ay hindi pa rin ganoong kalapit ang loob ko sa kanya. Kasabay kong naghahanap rin ng card ang isang babae.
Kasabay kong naghahanap rin ng card ang isang babae. Narinig ko ang sinabi niya. "Bakit kaya walang mga card na para sa mga tatay na may hindi maayos na relasyon sa kanilang anak, pero nagsisikap na ayusin ito?"
Nakaalis na ang babae bago pa ako makapagsalita. Ipinanalangin ko na lamang siya. Nagpasalamat ako dahil tanging ang Dios ang ating perpektong Ama. Ipinanalangin ko rin na nawa'y mas maging mabuti ang samahan namin ng aking tatay.
Nais ko ring magkaroon ng malapit at matibay na relasyon sa Dios Ama. Gaya ni David, gusto kong palaging magtiwala na nagbibigay ng kapayapaan at pag-iingat ang ating Dios (AWIT 27:1-6).
Nakakakuha agad si David ng tugon mula sa Dios sa oras ng panganib (TAL . 7-9). Maaari tayong itakwil ng ating mga magulang, handa naman tayong tanggapin at alagaan ng Dios (TAL . 10). Alam ni David ang katangian ng Dios Ama at umaasa siya sa Kanyang kabutihan. (TAL . 11-13). Katulad natin, paminsan-minsan nawawalan din siya ng tiwala sa Dios. Pero ang Banal na Espiritu ang nagpalakas sa kanyang pagtitiwala sa Dios (TAL . 14).
Katulad ng babaeng nakasabay ko, mayroon din tayong mga suliranin sa ating mga relasyon. Maaari tayong biguin ng mga mahal natin sa buhay. Pero tanging ang perpektong Dios Ama ang magbibigay ng tunay na pagmamahal sa atin.