Mula nang matanggal ako sa aking trabaho ay patuloy akong nanalangin sa Dios na pagkalooban Niya ako ng bago. Sa kabila ng aking pagsisikap, nabigo pa rin ako sa paghahanap ng bagong trabaho. Nagsimula na akong magreklamo sa Dios. "Alam po ba Ninyo na mahalaga para sa akin ang magkatrabaho?” Iyan ang tanong ko sa Dios sa tila hindi Niya pagsagot sa aking mga panalangin.
Kinausap ko naman ang tatay ko tungkol dito. Pinaalalahanan niya ako na magtiwala sa Dios. Sinabi ng tatay ko na dapat kong pagtiwalaan ang mga sinasabi at pangako ng Panginoon.
Naalala ko ang talata sa Kawikaan 3 dahil sa payo ng aking tatay. Katulad ito ng payo ng isang ama sa kanyang anak na halos parehas sa sitwasyon ko ngayon: "Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala, at huwag kang manalig sa sariling pang-unawa. Sa lahat ng iyong mga lakad Siya'y iyong kilalanin, at itutuwid Niya ang iyong mga landasin" (KAWIKAAN 3:5-6 ABAB). Ang ibig sabihin ng "itutuwid Niya ang iyong mga landasin" ay palagi tayong gagabayan ng Dios para maisakatuparan ang Kanyang plano para sa atin. Ang plano Niya ay maging katulad natin Siya.
Hindi magiging madali ang bawat daan na tatahakin natin sa ating buhay kasama ang Dios. Pero makakaasa tayo na ang Kanyang plano ang pinakamabuti para sa atin.