Ayon sa mga gumagawa ng patalastas sa telebisyon, ang salita na madalas makakuha ng atensyon ng mga nanonood ay ang pagbanggit ng pangalan. Isang programa sa telebisyon sa ibang bansa ang inilunsad upang banggitin ang pangalan ng mga tao.

Natutuwa naman tayo sa tuwing nababanggit ang ating pangalan sa telebisyon. Pero mas makabuluhan ito kung isang tao na malapit sa atin ang tatawag sa ating pangalan.

Nang puntahan ni Maria ang lugar kung saan nakalibing si Jesus, napukaw ang atensyon niya nang tawagin siya ni Jesus sa kanyang pangalan (JUAN 20:16). Sa isang salita lamang na iyon ay nakilala agad ni Maria ang Guro na minamahal at sinusunod niya. Maaaring nagulat si Maria. Sa isang pagtawag lamang ni Jesus sa kanyang pangalan ay napatunayan niya na buhay Siya.

Hindi man katulad ng kay Maria ang karanasan natin, minamahal din ng Dios ang bawat isa sa atin. Sinabi ni Jesus kay Maria na muli Siyang babalik sa Kanyang Ama (TAL . 17). Pero sinabi rin Niya na hindi Niya iiwan ang Kanyang mga alagad (JUAN 14:15-18). Isusugo Niya ang Espiritu Santo upang maging kasama at gabay ng Kanyang mga anak (TINGNAN GAWA 2:1-13).

Hindi nagbabago ang ating Panginoon mula noon hanggang ngayon. Kilala Niya ang bawat nagmamahal sa Kanya. Tinatawag Niya ang bawat isa sa kanilang mga pangalan.