Gustung-gusto kong basahin ang mga libro ng manunulat na si G.K. Chesterton. Magaling kasi ang pamamaraan niya sa pagsusulat. Napapatawa ako sa mga isinulat niya at minsan nama’y pinagbubulayan ko ang mga ito. Isa sa mga isinulat niya ay ganito, “Nagpapasalamat ka sa Dios bago kumain. Tama iyon. Nagpapasalamat naman ako sa lahat ng aking ginagawa. Nagpapasalamat ako bago manood ng mga palabas, at bago magbasa ng libro. Nagpapasalamat din ako bago ko simulan ang mga hilig kong gawin gaya ng pagguhit, paglangoy, paglalaro, pagsasayaw at bago ako magsulat.”
Hindi lamang tayo dapat magpasalamat sa Panginoon bago kumain. Para kay apostol Pablo, dapat nating pasalamatan at luwalhatiin ang Panginoon sa bawat ginagawa natin. Sinabi niya, “At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan Niya’y magpasalamat kayo sa Dios Ama” (COLOSAS 3:17 MBB). Maaari nating pasalamatan ang Panginoon at luwalhatiin Siya sa lahat ng ating mga ginagawa, hanapbuhay at maging sa ating pag-aaral.
Sinabi rin ni Pablo sa mga nagtitiwala kay Jesus sa Colosas na “ang kapayapaan ng Dios ang siyang maghari sa inyong mga puso. Kayo ay tinawag dito sa isang katawan at maging mapagpasalamat kayo” (T . 15). Magpasalamat at luwalhatiin natin ang Dios kailanman at saanman tayo naroroon.