Tuwang-tuwa ako sa mga manok noong bata pa ako dahil may katangian ang mga ito na kinabibiliban ko. Kapag nakakahuli ako ng manok, inilalapag ko ito at saka pinapakawalan. Dahil akala ng manok na hawak ko pa rin ito, nananatili itong nakaupo kahit malaya na itong umalis.

Kapag sumampalataya na tayo kay Jesus, pinapalaya Niya tayo sa pagkaalipin sa kasalanan at sa kapangyarihan ni Satanas. Parang may kapangyarihan pa rin si Satanas sa atin dahil mahirap baguhin ang masasama nating pag-uugali. Pero pinalaya na tayo ng Espiritu ng Dios at hindi Niya tayo inaalipin. Sinabi ni Pablo sa sulat niya sa mga taga-Roma, “Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus” (ROMA 8:1-2 MBB).

Kumikilos ang Dios sa ating buhay sa pamamagitan ng pagbabasa natin ng Biblia, pananalangin at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Tinutulungan tayo ng Biblia sa ating pamumuhay bilang nagtitiwala kay Jesus at itinuturo nito na malaya na tayo.

Sinabi ni Jesus, “Kayo’y tunay na lalaya kapag pinalaya kayo ng Anak” (JUAN 8:36 MBB). Ang kalayaan nawa na nakamit natin kay Cristo ay maging dahilan upang mahalin at paglingkuran natin Siya.