Habang namamalagi sa isang bahay-tuluyan ay napansin ko ang isang kard sa mesa ng aking kwarto. Nakasulat dito ang:
Maligayang pagdating Ang panalangin namin ay makapagpahinga kayo ng mabuti At maging mabunga ang inyong mga paglalakbay Ang Dios ang magpapala at mag-iingat sa inyo Ipakita nawa Niya ang Kanyang kabutihan at awa sa inyo.
Mula nang mabasa ko ang pagbating iyon mula sa bahay-tuluyan ay ninais ko na malaman pa ang tungkol sa kanilang kompanya. Layunin ng kanilang kompanya na magbigay ng mataas na uri ng serbisyo, ipagmalaki, at ipamuhay ang kanilang pananampalataya.
Dahil sa kanilang layunin ay naalala ko ang sinabi ni Pedro sa mga tagasunod ni Jesus na nagkalat sa Asya Minor. Pinaalalahanan niya na ipahayag at ipagmalaki nila ang kanilang pananampalataya kay Cristo saan mang dako sila naroroon. Sinabi ni Pedro na huwag silang panghinaan ng loob at huwag matakot kahit sila ay inuusig. Sinabi niya, “Alalahanin n’yo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo” (1 PEDRO 3:15).
Saan man tayo naroroon, nawa’y pagkalooban tayo ng Dios ng kalakasan para ipagmalaki at ipamuhay ang ating pananampalataya. Tayo nawa ay palaging maging handa na ibahagi ang dahilan ng ating pag-asa.