Naglalakad at nagtatago sa pagitan ng estante ng mga sapatos ang dalawang taong gulang naming anak na si Xavier. “Nakikita kita.” Iyon ang sabi ng asawa ko habang napansin niya itong nakatago at tumatawa habang nasa likod ng mga sapatos.
Makalipas ang ilang sandali ay tumatakbo sa bawat estante ang asawa kong si Alan. Hinahanap niya si Xavier. Nagpunta kami sa harapan ng tindahan. Doon ay nakita namin si Xavier na tumatawa habang patakbo papunta sa kalsada.
Binuhat agad ng asawa ko si Xavier at niyakap namin siya ng mahigpit. Agad kaming nagpasalamat sa Dios matapos ang pangyayaring iyon.
Bago dumating sa buhay namin si Xavier ay namatay ang aming unang anak sa aking sinapupunan. Nang ipagkaloob ng Dios sa amin si Xavier ay mas lalo kaming naging maalagang mga magulang. Ang pangyayaring iyon ay nagpaalala sa akin na hindi sa lahat ng oras ay mababantayan natin ang ating mga anak. Pero nakadama ako ng kapayapaan dahil alam kong tanging ang Dios ang makapagbibigay patnubay sa kanya.
Hindi inaalis ng Dios ang Kanyang paningin at patnubay
sa atin (AWIT 121:1-4). Hindi natin magagawang pigilan ang mga pagsubok sa ating buhay. Pero makakaasa tayo na mayroong Dios na palaging gagabay sa atin (TAL . 5-8).
May mga pagkakataon na tayo ay maaaring malumbay. Maaaring makadama din tayo ng kakulangan na hindi natin mabantayan ang ating mga mahal sa buhay. Pero makakaasa tayo sa Dios na hindi inaalis ang Kanyang paningin sa atin.