Alam kaya ng Dios ang masamang pakiramdam ko habang bumiyahe ako pauwi sa aming tahanan? Mataas ang lagnat ko at masakit ang ulo ko noon. Nanalangin ako, “Panginoon, alam kong kasama Kita, pero nahihirapan ako ngayon!”
Matinding pagod at hirap ang naranasan ko sa napakahabang biyahe. Tumigil muna ako saglit sa isang komunidad. Makalipas ang ilang sandali ay may nadinig akong tinig. “Kamusta? Kailangan mo ba ng tulong?” Nakita ko ang isang lalaki kasama ang iba pa niyang kasamahan. Nang sabihin nila sa akin na ang pangalan ng kanilang komunidad ay Naa mi n’yala (ibig sabihin ay “Nakikilala ako ng Hari!”) ay nagulat ako. Ilang beses na akong paulit-ulit na dumaan sa lugar na ito pero hindi pa ako nakakahinto rito.
Sa pagkakataong ito ay ginamit ng Dios ang pangalan ng kanilang komunidad para ipaalala sa akin na Siya ang Hari na nakakaalam ng aking karamdaman sa ngayon. Dahil dito ay lumakas ang aking loob, muli akong bumiyahe, at huminto muna sandali sa isang klinika.
Alam ng Dios kung ano ang mga dinadanas natin sa arawaraw, kahit ano pa ang ating sitwasyon (SALMO 139:1-4, 7-12). Hindi Niya tayo iiwanan, hindi Niya tayo nakakalimutan, at hindi Siya abala para hindi Niya tayo maalala. Kahit tayo ay may mga suliranin o pagsubok sa “kadiliman man o sa gabi” (TAL . 11-12) ay hindi ito lingid sa Kanyang kaalaman. Makakaasa tayo sa katotohanan at pag-asa na nariyan ang Dios na lumikha sa atin. Palagi Niya tayong iingatan at sasamahan (TAL . 14).