Inanyayahan akong magsalita sa isang pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus. Ang paksa ng aking mensahe ay tungkol sa paglapit sa Panginoon nang may kababaang-loob para humingi ng tawad at pagpapatawad na iginagawad naman Niya. Bago ako matapos para manalangin ay tumayo ang kanilang pastor sa gitna. Tiningnan niya ang bawat miyembro ng kanilang samahan at nagsalita, “Bilang pastor ninyo ay may pribilehiyo akong makausap kayo at mapakinggan ang inyong mga mapapait na suliranin. Sa tuwing araw ng pagsamba ay nakikita ko kung paano ninyo pilit na itinatago ang sakit na inyong nararamdaman.”
Nabagbag ang aking puso para sa mga sakit na pinawi ng Dios. Inilarawan ng manunulat ng aklat ng Hebreo na ang Salita ng Dios bilang totoo at buhay. Marami ang naniniwala na ang “salita” na tinutukoy dito ay ang Biblia. Pero may mas higit pa rito. Si Jesus ang buhay na Salita ng Dios. Nalalaman Niya ang laman ng ating puso at isip at mahal Niya tayo.
Namatay si Jesus sa krus para makalapit tayo sa Dios sa lahat ng pagkakataon. Hindi man natin maibabahagi sa iba ang lahat ng ating nararamdaman at nararanasan pero ninanais ng Dios na tayo ay palaging lumapit sa Kanya. Nais Niya na magtulungan tayo upang magdamayan na “dalhin ang pasanin ng isa’t-isa.”
Mayroon ka bang mga suliranin na itinatago sa Dios? Alam ng Dios ang lahat ng ating mga pagsubok.