Hindi pinapayagan ng bangko na umutang ang isang taong may rekord na hindi agad nakakabayad ng kanyang utang. Hindi sapat ang pangako niya na makakabayad siya ng utang kung hindi naman maganda ang kanyang rekord sa pagbabayad. Kaya ang kadalasang ginagawa ng ganitong tao ay humahanap siya ng ibang tao na may magandang rekord sa pagbabayad ng utang at ipapalagay niya ang pangalan nito sa uutangan niya. Nakakatiyak ang bangko na mababayaran ang utang dahil sa pangako ng taong iyon na maayos magbayad.
Kapag may taong nangako sa atin, umaasa tayo na gagawin niya ito. Nais din naman nating malaman kung gagawin ng Dios ang Kanyang mga pangako. Sa Biblia, mababasa natin na naniwala si Abraham sa pangako ng Dios na pagpapalain siya at
bibigyan ng maraming binhi (HEBREO 6:14; TINGNAN ANG GENESIS 22:17).
Dahil walang sinumang higit na dakila na panunumpaan ang Dios, nanumpa Siya sa Kanyang sarili at dahil dito ay tiyak na tutuparin Niya ang Kanyang pangako.
Tinupad ng Dios ang pangako Niya kay Abraham na magkakaroon siya ng anak (HEBREO 6:15). Ganoon din naman, makakaasa tayo sa pangako ng Dios na hindi Niya tayo iiwan (13:5), tiyak na ang ating kaligtasan (JUAN 10:29) at aaliwin Niya tayo sa ating mga kapighatian (2 CORINTO 1:3-4).