Marami na akong artikulong naisulat para sa babasahing Pagkaing Espirituwal at may ilan dito na tumatak na sa aking isipan. Isa na rito ang naisulat ko nang umalis ang tatlo kong anak na babae para dumalo sa isang camp. Noong wala sila, nagkaroon kami ng panahon na magkasama ng aking anim na taong gulang na anak na si Steve.
Kaya naman, namasyal kami ni Steve sa paliparan ng eroplano, sinabi niya sa akin, “Hindi masyadong masaya dahil wala si Melissa.” Ang tinutukoy niya ay ang ate niyang si Melissa na kasama sa camp. Hindi namin inakala kung gaano kasakit kapag nagkatotoo ang mga salitang iyon. Tunay na hindi na naging masyadong masaya ang dumating na mga taon sa aming mga buhay nang mamatay si Melissa sa isang aksidente sa sasakyan noong tinedyer siya. Maaaring mabawasan ang kalungkutan dahil sa paglipas ng panahon, pero walang tuluyang makakapag-alis ng lungkot na aming nararamdaman. Narito ang ilang payo na maaaring makatulong: makinig, magbulay-bulay at tingnan ang pangako ng Dios ng lahat ng kaaliwan.
Makinig: “Ang tapat na pag-ibig ng Panginoon ay hindi nagmamaliw, ang Kanyang habag ay hindi natatapos” (PANAGHOY 3:22).
Magbulay-bulay: “Sapagkat ako’y ikukubli Niya sa Kanyang kanlungan sa araw ng kaguluhan” (SALMO 27:5).
Tingnan: “Ito’y aking kaaliwan sa aking kapighatian, na ang Iyong pangako ang nagbibigay sa akin ng buhay.” (SALMO 119:50).
Nagbabago ang ating buhay kapag iniwan na tayo ng ating mahal sa buhay. Pero nagbibigay sa atin ng pag-asa at kaaliwan ang mga pangako ng Dios.