May mga taong nakapaligid sa malaking punong tumaob dahil sa bagyo. Isang matandang babae ang malungkot na nagkuwento na nabagsakan ng tumaob na puno ang pader na ginawa ng kanyang asawa noon. Gustung-gusto pa naman nilang mag-asawa ang pader na iyon. Pero ngayon, wasak na ang pader. Wala na rin ang pader tulad ng kanyang yumaong asawa.
Kinabukasan, natuwa ang matandang babae nang makita niya na inaalis ng mga tagapaglinis ang natumbang puno. Aayusin at itatayo rin nilang muli ang gumuhong pader.
Inilarawan naman ni Propeta Isaias sa Biblia ang uri ng paglilingkod sa iba na nais ng Dios: ito ay ang pagtulong sa iba gaya ng pagtulong ng mga tao sa matandang babae. Mas nais ng Dios ang paglilingkod sa iba kaysa sa mga ginagawa na hindi naman bukal sa puso. Pinag-papala ng Dios ang Kanyang mga anak na naglilingkod sa iba. Maaari tayong gamitin ng Dios upang tulungan ang mga inaapi at mga nangangailangan (ISAIAS 58:7-10).
Pararangalan din naman ng Dios ang mga taong inaayos ang kanilang buhay upang makatulong sa iba (T . 11-12). Anong uri ng paglilingkod ang gagawin mo sa araw na ito?