Noong ako’y labinsiyam na taong gulang, namatay sa aksidente ang isa kong malapit na kaibigan. Pagkatapos ng trahedyang iyon, napuno ng lungkot ang buhay ko sa bawat araw na lumipas. Dahil sa sakit ng pagkawala ng aking kaibigan, tila hindi ko na alam kung anong nangyayari sa aking paligid. Nabalot ako ng kalungkutan at hindi ko na maramdaman ang Dios sa aking buhay.
Sa kabanatang 24 ng Aklat ng Lucas ay mababasa naman ang tungkol sa dalawang tagasunod ni Jesus na naguluhan at sobrang nalungkot nang mamatay si Jesus. Hindi nila nalaman na si Jesus na muling nabuhay ang kasama nila habang sila’y naglalakad. Ipinapaliwanag sa kanila ni Jesus kung bakit kailangang mamatay at muling mabuhay ang Tagapagligtas. Nalaman lamang nila na si Jesus ang kanilang kasama nang hatiin Niya ang tinapay at ibinigay sa kanila. Nagkaroon sila ng bagong pag-asa dahil sa muling pagkabuhay ni Jesus.
Kagaya ng mga alagad, makakaranas din tayo ng pagsubok at kalungkutan. Pero makakahanap tayo ng pag-asa at kaaliwan sa katotohanang buhay si Cristo at kumikilos Siya sa ating buhay at sa mundong ating ginagalawan. Kahit na may mga pinagdadaanan tayong mga pagsubok, makakaasa tayo na kasama natin si Jesus sa pagharap natin sa bawat problema o kapighatian. Dahil Siya ang Ilaw ng sanlibutan (JUAN 8:12), bibigyan Niya tayo palagi ng pag-asa sa ating buhay.