Nagtitipon kaming magkakaibigan buwan-buwan upang kumustahin ang buhay ng bawat isa. Ibinahagi ng kaibigan kong si Maria na nais niyang muling pagandahin ang mga silya sa kanyang silid-kainan bago matapos ang taon. Nang magkita kaming muli sa buwan ng Nobyembre, ikinuwento niya sa amin na lumipas ang maraming buwan na hindi pa rin niya naaayos ang mga silya dahil sa pagiging abala niya sa trabaho at pag-aalaga sa kanyang anak. Pero noong pinagtuunan niya talaga ng pansin na ayusin ang mga silya, inabot lamang siya ng dalawang oras upang matapos ang paggawa ng mga ito.
Tinawag naman ng Panginoon si Nehemias sa isang mas dakilang gawain. Inutusan Niyang pangunahan nito ang pagtatayo muli ng lungsod ng Jerusalem na nagiba sa loob ng 150 taon (NEHEMIAS 2:3-5, 12). Nakaranas ang mga Israelita ng pangungutya, panghahamak at pagsubok habang ginagawa nila ito (4:3, 8; 6:10-12). Pero tinulungan sila ng Dios na maging matatag kaya naman natapos nila ang mahirap na gawaing ito sa loob lamang ng 52 araw.
Upang malagpasan ang mga pagsubok, dapat ay mas malalim pa tayong motibo maliban sa kagustuhan nating mapagtagumpayan ang mga ito. Gaya ni Nehemias, ang naging motibo niya ay ang pagkaunawa na inatasan siya ng Dios na pangunahan ang gawaing iyon. Dahil sa layunin niya na manguna sa mga tao, sinunod nila si Nehemias sa kabila ng mga pag-atake sa kanila. Kung may ipinapagawa man sa atin ang Dios, pagkakalooban Niya tayo ng kakayahan at kalakasan upang magawa natin ito sa kabila ng mga pagsubok na kakaharapin natin.