Minsan, pinayuhan ako ng aking kaibigan na iwasan ang paggamit ng mga salitang “lagi na lang ikaw” o “ni minsan hindi mo” sa pakikipagtalo. Madalas kasi, nahihirapan tayong ipadama ang pagmamahal natin sa iba dahil mas nakikita natin ang mga mali nilang ginagawa. Pero hindi ganito ang pag-ibig ng Dios sa ating lahat.
Puno ng mga salitang “lahat” ang Salmo 145. “Ang Panginoon ay mabuti sa lahat; at ang Kanyang awa ay nasa lahat Niyang ginawa” (TAL . 9). “Hindi ka bibiguin sa bawat pangako ‘pagkat ang Dios ay tapat, ang Kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat.” “Siya’y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin” (TAL . 13-14 MBB). Iniingatan ng Panginoon ang lahat ng umiibig sa Kanya” (TAL .20).
Ipinapaalala sa atin ng Salmo na ang pag-ibig ng Dios ay walang itinatangi. Pinatunayan ito sa Bagong Tipan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. “Ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (JUAN 3:16).