Minsan, nagmamadali akong pumunta sa lugar kung saan ipinapadala ang mga sulat. Pagdating ko roon, nakakadismaya ang haba ng pila. Kahit marami pa akong dapat gawin, sinabi ko na lang sa aking sarili na maghintay.
Habang nasa pila ako, lumapit sa akin ang isang matanda. Sinabi niya sa akin na hindi gumagana ang nabili niyang copier na nakalagay lang sa tabi. Nag-aalala ang matanda at hindi niya alam ang dapat niyang gawin. Alam ko na nais ng Dios na tulungan ko ang matanda. Kaya naman, umalis ako ng pila at naayos ko ang copier sa loob lamang ng 10 minuto.
Nagpasalamat ang matanda at saka umalis. Paglingon ko, wala nang pila. Kaya naman, dumiretso na ako sa dapat kong gawin.
Sa karanasan kong iyon, naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus, “Magbigay kayo, upang bigyan din kayo ng Dios. Ibabalik sa inyo nang sobra-sobra at umaapaw ang ibinigay ninyo. Sapagkat kung paano kayo magbigay sa iba, ganoon din ang pagbibigay ng Dios sa inyo” (LUCAS 6:38).
Naging parang mabilis lang ang paghihintay ko sa pila at hindi ako nainip. Ito ang ibinigay ng Dios sa akin na regalo nang sinunod ko ang nais Niya na tulungan ang matanda. Magandang alalahanin lagi ang natutunan kong ito. Sisikapin ko muli na makapaglaan ng panahon para tumulong sa iba kahit nagmamadali ako.