Minsan, naisip namin ng mga kagrupo ko na mamangka sa isang rumaragasang ilog. Sinamahan kami ng isang tao na gagabay sa amin sa pamamangka. Sinabi niya na isuot namin ang life jacket at kumuha kami ng sagwan. Nang sumakay na kami sa bangka, itinalaga niya ang bawat isa kung saan dapat maupo para maging balanse ang bangka. Sa gayon, hindi agad lulubog ang bangka kahit rumaragasa ang agos ng ilog. Ipinaliwanag niya rin sa amin ang tamang pagsagwan at mga dapat gawin. Sinigurado ng aming gabay na magiging masaya, ligtas at kapana-panabik ang aming paglalayag.
May pagkakataon naman na ang buhay ay parang pamamangka sa isang rumaragasang ilog. Humaharap tayo sa mabibigat na problema na parang isang rumaragasang ilog. Nakapagbibigay naman ng lakas ng loob ang pangako ng Dios sa mga Israelita noon na gagabayan at sasamahan Niya sila sa tuwing dumaranas ng mga pagsubok sa buhay.
Sinabi ng Dios, “Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod” (ISAIAS 43:2). Kahit na naparusahan ng Dios ang mga Israelita noong mga panahong iyon, ipinangako pa rin ng Dios na sasamahan at gagabayan Niya ang mga Israelita dahil mahal Niya sila (TAL . 2, 4).
Hinding-hindi tayo iiwan ng Dios sa pagharap sa mabibigat nating problema. Gagabayan at sasamahan tayo ng Dios sa panahon ng ating kabiguan at kahirapan dahil mahal na mahal Niya tayo at nangako Siyang lagi Niya tayong sasamahan.