May nabasa akong email sa aking cellphone tungkol sa isang kabubukas pa lamang na tindahan ng donut. Napadaan kami ng aking asawa sa lugar kung nasaan ang tindahan na iyon pero hindi namin ito napansin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom. Namangha ako kung paanong nakakatulong ngayon ang teknolohiya para mahikayat ng mga nagtitinda ang kanilang mga mamimili.
Nang mabasa ko ang aking email, napaisip tuloy ako kung paano naman ninanais ng Dios na lumapit ako sa Kanya. Nalalaman Nitya ang lahat ng aking ginagawa at nais Niyang tulungan ako sa tamang pagdedesisyon. Naisip ko, “Ninanais ko rin ba na lumapit sa Dios gaya ng kung paano ako nahikayat na bumili ng donut?”
Mababasa natin sa Juan 6 ng Biblia ang tungkol sa pagpapakain ni Jesus sa limang libong tao. Matapos Niyang gawin ang himalang ito, hiniling ng mga alagad sa Kanya na bigyan sila palagi ng “tinapay… na nagbibigay-buhay” (T .33-34). Ang sagot ni Jesus ay, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman” (T . 35). Nakakatuwang isipin na si Jesus ang magbibigay ng ating pangangailangan sa bawat araw.
Kung paanong makakapapawi ng gutom ang donut, ang Dios naman ang aking kailangan upang magbigay sa akin ng kalakasan at mga pagpapala sa bawat araw.