Marami tayong ginagawa sa bawat araw. Pumapasok tayo sa paaralan at sa opisina. May mga gawaing bahay tayong dapat tapusin at may mga dapat tayong puntahan. Nahihirapan tayo at napapagod sa mga ginagawa natin maghapon. Dumadating ang pagkakataon na napipilitan na lamang akong magbasa ng Biblia saglit at sinasabi ko sa sarili ko na babawi ako sa Dios sa susunod. Pero, matatabunan na naman ako ng napakarami kong ginagawa at nakakalimutan ko nang humingi ng tulong sa Dios para matapos ang mga ito.
Noong lumakad naman si Pedro sa tubig, humingi siya ng tulong kay Jesus nang napansin niya ang malakas na hangin at alon at nagsimula siyang lumubog (MATEO 14:29-30). “Agad naman siyang inabot ni Jesus” nang sumigaw siya at humingi ng tulong (T . 30-31).
Palagi kong iniisip na kailangan kong bumawi sa Dios dahil marami akong ginagawa at nakakalimutan ko nang lumapit sa Kanya. Pero hindi ganoon mag-isip ang ating Dios. Kapag lumapit tayo sa Kanya para humingi ng tulong, palagi Siyang handa na tumulong sa atin.
Madali nating nakakalimutan na kasama natin ang Dios sa mga mahihirap na sitwasyon sa ating buhay. Tinanong ni Jesus si Pedro, “Bakit ka nag-alinlangan?” (T . 31). Anuman ang ating pinagdadaanan, tandaan natin na palagi nating kasama si Jesus at handa Siyang tulungan tayo.