Nang pumunta kaming mag-asawa sa London, sinamahan kami ng aming kaibigan sa pagbisita sa Sky Garden. Isa itong magandang lugar na nasa ikatatlumpu’t limang palapag ng isang gusali. Napapalibutan ito ng salamin at ng maraming halaman, puno at mga bulaklak. Kitang-kita sa lugar na ito ang mga ulap at ang iba’t ibang magagandang tanawing matatanaw sa buong lungsod. Nang pumunta kami sa lugar na iyon, isang aral ang aming natutunan tungkol sa dapat naming maging pananaw sa mga bagay.
Ang ating Dios naman ay may tamang pananaw sa lahat ng nangyayari sa ating buhay. Sinabi ng sumulat sa Salmo 102:19-20, “Mula sa Kanyang banal na lugar sa langit, tinitingnan ng Panginoon ang lahat sa mundo, upang pakinggan ang daing ng Kanyang mga mamamayan na binihag, at palayain ang mga nakatakdang patayin.”
Kagaya tayo ng mga taong binanggit sa Salmo 102. May mga nararanasan tayong mga pagsubok sa ating buhay at nawawalan tayo ng pag-asa. Pero alam ng Dios ang lahat ng nangyayari sa atin. Alam Niya ang mga pinagdadaanan natin. Dahil nalalaman ng Dios ang lahat ng bagay, kayang-kaya Niyang iligtas mula sa panganib kahit na ang mga “nakatakdang patayin” (T . 20,27-28).
Tandaan natin na alam ng Dios kung may pinagdadaanan tayong mabibigat na pagsubok sa ating buhay. Mapagkakatiwalaan natin Siya sa bawat pagkakataon na nahihirapan tayo.