Madalas magkamali ang mga apo ko kapag nagbibihis sila. Nasusuot nila nang baligtad ang kanilang damit o sa maling paa nila naisusuot ang kanilang sapatos. Hindi ko sila pinagsasabihan kapag ginagawa nila iyon kundi natutuwa ako sa kanilang pagiging inosente.
Namamangha ako kung paano nila tingnan ang mga bagay sa mundo. Para sa kanila, ang bawat bagay ay isang bagong karanasan. Ito man ay ang makakita sila ng isang punong bu- magsak, isang pagong o isang trak ng bumberong dumadaan. Pero alam ko na hindi talaga inosente ang mga apo ko. Alam nila kung paano magdahilan kapag ayaw pa nilang matulog sa gabi. Marunong din silang mang-agaw ng laruan ng kanilang kapatid o pinsan. Pero kahit pa ganoon sila, mahal na mahal ko pa rin sila.
Naisip ko na parang katulad nina Adan at Eba ang aking mga apo. Maaaring ikinamangha nina Adan at Eba ang lahat ng nakita nila sa hardin noong kasama nila ang Dios. Pero dumating ang araw na sumuway sila sa Dios. Kinain nila ang bunga ng puno na ipinagbabawal ng Dios na kanilang kainin (GEN . 2:15-17; 3:6). Nagsinungaling sila at nagsisihan dahil sa kanilang pagsuway sa Dios (3:8-13).
Pero kahit na ganoon ang nangyari, minahal pa rin sila ng Dios at hindi sila pinabayaan. Gumawa ang Dios ng damit mula sa balat ng hayop para sa kanila (T . 21). Gumawa din naman ng paraan ang Dios para sa ikaliligtas ng lahat ng tao sa pamamagitan ng sakripisyo ng Kanyang Anak na si Jesus (JUAN 3:16). Tunay na mahal na mahal tayo ng Dios.