Madalas nating naririnig na magiging masaya tayo kapag gagawin natin kung ano ang gusto natin. Pero hindi iyon totoo. Ang paniniwalang iyon ay magiging dahilan lamang para malungkot tayo, matakot at mabigo.
Ayon sa manunulat na si W.H. Auden, maraming tao ang nakasalalay ang kasiyahan sa paggawa ng kung ano ang gusto nila. Para sa kanya, ang mga taong ito ay walang direksyon ang buhay, takot at hindi kailanman ma- giging masaya.
May isinulat na awit si Haring David na paraan upang mapawi ang ating mga kinatatakutan at kalungkutan. Sinabi niya sa Salmo 34:4, “Akoʼy nanalangin sa Panginoon at akoʼy Kanyang sinagot. Pinalaya Niya ako sa lahat ng aking takot.” Magiging masaya tayo kung susundin natin ang Panginoon. Isa itong katotohanan na mapapatunayan natin bawat araw. Sinabi pa ni David, “Ang mga umaasa sa Kanya ay nagniningning ang mata sa kaligayahan. Subukan ninyo at inyong makikita, kung gaano kabuti ang Panginoon” (T . 5,8).
Sinasabi naman natin na maniniwala lamang tayo sa isang bagay kung makikita natin ito. Kailangan muna natin ng patunay bago tayo maniwala. Pero kabaligtaran ang sa Dios. Para sa Kanya, maniwala muna tayo at ating makikita. “Subukan ninyo at inyong makikita.”
Maniwala tayo sa sinabi ng Dios. Sumunod tayo sa kung ano ang ipinapagawa Niya sa atin. Bibigyan Niya tayo ng sapat na biyaya upang gawin kung ano ang tama. Sa Dios magmumula ang hinahanap nating walang hanggang kaligayahan.