Sa isang usapan tungkol sa pagpapatawad, isang tao ang nagsabi ng ganito, “Patawarin agad natin kapag may taong nagkamali at bigyan natin siya ng pagkakataon na magbago.”
Maraming beses na naranasan ng apostol na si Pedro ang pagpapatawad ng Dios. Pabigla-bigla kung magsalita si Pedro at mababasa natin sa Mateo 16:21-23 kung paano siya itinama ni Jesus. Pinatawad din ni Jesus si Pedro nang ipagkanulo Siya nito (JUAN 18:15-27; 21:15-19). At may nagawa rin si Pedro na nagdulot upang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa unang lupon ng mga nagtitiwala kay Jesus.
Nagsimula ito nang si Pedro (tinatawag din na Cefas) ay umiwas sa mga Hentil (GALACIA 2:11-12). Noong una ay nakikihalubilo siya sa kanila. Pero may ilang mga Judio na nagsabi na kailangang tuliin ang mga nagtitiwala kay Jesus kaya sinimulan nang iwasan ni Pedro ang mga hindi tuling Hentil. Dahil sa nangyaring ito, tila bumabalik uli sila sa kautusan ni Moises. Sinabi ni Pablo na ang ginagawa ni Pedro ay pagkukunwari (T . 13).
Naayos ang hindi pagkakaunawaan dahil pinagsabihan ni Pablo si Pedro. Nagpatuloy si Pedro sa paglilingkod sa Dios na may pagkakaisa sa kapwa mananampalataya.
Patawarin natin ang sinumang nakakagawa ng mali. Sa biyaya ng Dios, matatanggap at matututo tayo sa bawat isa. Ita- ma natin kung mayroon mang maling nagawa ang isang tao at sama-sama tayong lumago sa pag-ibig ng Dios.