Natuklasan ng dalubhasang si Benjamin Bloom kung paano nahahasa ang talento ng isang tao. Pinagaralan niya ang buhay ng 120 na mga atleta, pintor at mga iskolar noong mga bata pa ang mga ito. Nalaman niya na kaya sila naging mahusay sa larangang kanilang pinag-aralan ay dahil naglaan sila ng mahabang panahon upang mag-ensayo.
Sinasabi ng pag-aaral na ito ni Bloom na nangangailangan ng disiplina upang matuto tayo sa isang larangan. Ganoon din naman sa ating buhay espirituwal. Isang paraan upang lumago ang ating pagtitiwala sa Dios ay kung maglalaan tayo ng panahon para sa Kanya.
Isang magandang halimbawa ang buhay ni Daniel. Inuuna niya ang Dios sa lahat ng kanyang ginagawa. Bata pa lamang siya ay maingat na siya sa paggawa ng mga desisyon (DANIEL 1:8). Palagi rin siyang nagdadasal at nagpapasalamat sa Dios”(6:10). Dahil palagi niyang inuuna ang Dios sa kanyang buhay, napansin ito ng mga taong nakapaligid sa kanya. Sinabi ni Haring Darius na si Daniel ay “lingkod ng buhay na Dios” (T . 20) at patuloy na naglilingkod sa Dios (T . 16,20).
Katulad ni Daniel, kailangan din natin ang Dios sa ating buhay. Ang Dios ang nagbibigay sa atin ng pagnanais upang maglaan tayo ng panahon para sa Kanya (FILIPOS 2:13). Kaya naman, lumapit tayo sa Dios bawat araw at magtiwala tayo na magbubunga ito ng paglago ng pagmamahal at pananampalataya sa ating Tagapagligtas.