Sa police station, makikitang nag-aalala ang pulis na si Vic Miglio. Nakatanggap kasi siya ng tawag kung saan sangkot ang isang pamilya. Isang babae ang sinaktan ng kanyang nobyo at malubhang nasugatan. Dahil doon, isinugod ito sa ospital. Hindi naman makapaniwala ang ina ng babae kung bakit humantong sa ganoon ang pangyayari. Tiyak naman na matagal na panahon bago mawala sa isip ni Vic ang pangyayaring iyon.

Madaling mapukaw ang damdamin ni Vic sa mga pangyayaring katulad nito. Ang ipinakita niyang pagmamalasakit ay katulad ng ipinakita ni Jesus. Minsan, tinanong si Jesus ng Kanyang mga alagad, “Sino po ba ang pinakadakila sa lahat ng kabilang sa kaharian ng Dios?” (MATEO 18:1).

Pinalapit ni Jesus sa Kanya ang isang bata at sinabing, “Kung hindi kayo magbago at maging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo mapapabilang sa kaharian ng Dios.” (TAL. 3). Nagbigay din Siya ng babala sa sinumang gagawa nang hindi maganda sa isang bata (TAL. 6). Napakahalaga ng mga bata kay Jesus kaya sinabi Niya, “Ang mga anghel na nagbabantay sa kanila ay laging nasa harapan ng aking Ama sa langit” (TAL.10).

Nagbibigay sa atin ng kaaliwan ang malaman na minamahal tayong lahat ng ating Panginoong Jesus tulad ng pagmamahal Niya sa mga bata. Inaanyayahan Niya tayo na maging mga anak Niya sa pamamagitan ng pananampalatayang katulad ng sa bata.