Ang Hinds Feet on High Places ay isang nobela tungkol sa isang babae na nagngangalang Much Afraid. Si Much Afraid ay takot na takot habang naglalakbay kasama ang Pastol. Dahil alam niyang mahihi-rapan siya, nakiusap siya sa Pastol na buhatin na lamang siya. Sinabi naman ng Pastol, “Maaari kitang buhatin hang-gang sa pinakamataas na lugar. Pero kung gagawin ko iyon, hindi magiging matibay ang iyong mga binti kaya hindi ka makakasama sa mga pupuntahan ko.”
Maaalala natin sa mga karanasan ni Much Afraid ang mga tanong ni Propeta Habakuk at maaaring naitanong ko na rin sa aking sarili. “Bakit mahirap maglakbay sa buhay na ito?” “Bakit kailangan ko pang makaranas ng paghihirap?”
Kabilang si Propetang Habakuk sa bayan ng Juda kung saan hindi umiiral ang katarungan at kinatatakutan ang pagsakop ng mga Babilonia (HABAKUK 1:2-11). Nakiusap siya sa Dios na pawiin ang pagdurusa ng kanyang bayan (1:13). Tumugon naman ang Dios, at sinabi na mangyayari ang hinihiling ni Habakuk sa panahong itinakda ng Dios (2:3). Pinili ni Habakuk na magtiwala sa Dios. Naniwala si Habakuk na ang Dios ang magbibigay sa kanya ng lakas sa kabila ng nararanasang paghihirap.
Makakaasa rin tayo na ang Dios ang tutulong sa atin sa mga mahihirap na sitwasyon at gagamitin Niya ang mga pagkakataong iyon upang lalo tayong mapalapit sa Kanya.