Noong 2011, ipinagdiwang ng National Aeronautics and Space Association (NASA) ang ika-30 taon nila sa pananaliksik tungkol sa kalawakan. Sa loob ng tatlong dekada, marami na ang nakapunta sa kalawakan at nakatulong sila sa pagtatayo ng International Space Station.
Malaking halaga at mahabang panahon ang ginugol para mapag-aralan ng mga tao kung gaano kalawak at kalaki ang kalawakan. May mga nagbuwis din ng buhay para dito. Gayon pa man, hindi pa rin kayang sukatin ang kadakilaan ng ating Dios.
Kung batid natin na alam ng Manlilikha ang pangalan ng bawat bituin (ISAIAS 40:26), mauunawaan natin kung bakit lubos na pinaparangalan ni David ang Dios na dakila (SALMO 8:1). Siya ang may likha ng buwan at mga bituin (TAL. 3). Sa kabila ng pagiging makapangyarihan sa lahat ng Manlilikha, minamahal pa rin Niya ang Kanyang mga anak at sila ay inaalagaan at pinagmamalasakitan Niya (TAL. 4). Sa pamamagitan ng pag-ibig, binigyan tayo ng Dios ng tungkulin, pananagutan at pribilehiyo na alagaan ang sangnilikhang ipinagkatiwala Niya sa atin (TAL. 5-8).
Habang pinag-aaralan natin ang kalangitan na puno ng bituin, nais naman ng Dios na matiyaga at buong puso natin siyang hanapin. Naririnig Niya ang bawat papuring awit at mga panalangin mula sa ating mga labi.