Sa lugar kung saan kami naninirahan, maraming mga bahay ang pinaliligiran ng matataas at matitibay na pader. Mayroon pang mga electric barb wires ang iba. Nagsisilbing proteksyon ang mga iyon laban sa mga magnanakaw.
Maaaring maganda ang layunin ng pagtatayo ng mga pader. Subalit may mga pagkakataon din na ang harang na iyon ay nagdudulot ng pagtatangi kahit hindi naman magnanakaw ang bumibisita.
Ang babaeng Samaritana sa may balon ay halos may parehong pinagdaraanan na may kaugnayan sa pagtatangi. Walang pakialam ang mga Judio sa mga Samaritano. Kaya nga, nang humingi si Jesus ng maiinom sa babae, ito ang sinabi ng babae, “Kayo po ay isang Judio at ako ay Samaritano, at babae pa. Bakit po Kayo makikiinom sa akin?” (JUAN 4:9). Nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng babae ang pagtatagpo nila ni Jesus. Dahil dito, marami pa ang mas nagnais makilala si Jesus (TAL. 39-42). Nagmistulang daan si Jesus para wakasan ang kalupitan at pagtatangi.
Maging maingat nawa tayo upang hindi tayo magtangi ng tao. Gaya ng ipinakita ni Jesus, maaari din nating abutin ang iba’t-ibang uri ng tao kahit ano pa man ang kanilang pinagmulan, kalalagayan sa buhay o reputasyon.