Si Charles Spurgeon ay isang mangangaral ng Salita ng Dios noong 1800’s. Madalas niya noong ipangaral sa London Church ang sinasabi sa Isaias 49:16 kung saan sinabi ng Dios na inukit Niya ang ating pangalan sa Kanyang palad. Sinabi ni Spurgeon na dapat daw itong ipangaral ng maraming beses. Napakasarap kasi talagang isip-isipin ng katotohanang ito.
Iniugnay ni Spurgeon ang pangakong iyon ng Dios sa mga Israelita sa pagkamatay ni Jesus sa krus para sa atin. Sinabi ni Spurgeon na kailangang maipako si Jesus sa krus upang talagang maiukit tayo sa Kanyang mga palad.
Kung paanong ipinangako ng Dios sa mga Israelita na uukitin Niya sila sa Kanyang palad, hinayaan naman ng Panginoong Jesus na maipako Siya sa krus para mapalaya tayo mula sa kaparusahan sa kasalanan.
Kapag naiisip natin na kinalimutan na tayo ng Dios, tingnan lang natin ang ating mga palad. Sa pamamagitan nito, maaalala natin ang pangako ng Dios. Inukit Niya tayo sa Kanyang palad dahil sa pagmamahal Niya sa atin.