Narinig ko minsan ang aking kapitbahay na kinakausap ang kanyang nakababatang kapatid, Sabi nito, “Kailangan mong makinig sa akin.” Alam niya kung ano ang mas makakabuti dahil mas matanda siya. Marami sa atin ang hindi nakikinig sa mga payo ng mga nakatatanda nating kapatid. Dahil doon, nararanasan natin ang masamang dulot ng hindi pakikinig sa kanila.
Bilang mga sumasampalataya naman kay Jesus, mapalad tayo na may maituturing tayong isa pang pamilya. Sila ang mga kapwa natin mananampalataya na maaaring magbigay din sa atin ng mabuting payo o magtuwid sa atin.
May mga pag-kakataon din na nasasaktan natin ang kanilang damdamin at tayo rin naman ay nasasaktan nila. Hindi madaling gawin ang tama pero sinasabi sa Mateo 18:15-20 kung ano ang dapat gawin kapag may nangyayaring hindi pagkakaunawaan sa ating mga mananampalataya.
Salamat sa Panginoon dahil pinagkakalooban Niya tayo ng mga tao na tutulong sa atin na luwalhatiin ang Dios at magmalasakit sa iba. At kapag marunong tayong makinig, mas makabubuti ito sa ating tinatawag na kapamilya sa Dios.