Minsan, nakakapagod din ang paggawa ng tama. Napapaisip tayo kung bakit mali ang interpretasyon ng iba sa mga sinasabi at ginagawa natin kahit naging maingat naman tayo at wala tayong intensyon na makasakit. Ganoon ang nangyari sa akin nang sulatan ko ang aking kaibigan. Sa kabila ng hangarin kong patatagin ang kanyang loob, nagalit siya sa akin.
Hindi ko na hinayaang magalit din dahil naisip ko na hindi laging maganda ang tugon ng tao kahit na sa pagpapahayag ng tungkol kay Jesus. Maaari tayong tanggihan kahit gawan natin sila ng mabuti sa hangarin na magtiwala rin sila sa Panginoon. Maaaring balewalain din ang mga pagsisikap natin na udyukan ang iba na gawin kung ano ang tama.
Kapag nalulungkot tayo sa hindi magandang tugon ng iba sa mga ginagawa nating mabuti, makakatulong ang sinasabi sa Galacia 6. Sa mga talatang ito, hinihikayat ni Pablo na suriin natin ang ating motibo sa anumang gagawin natin (TAL. 1-4). Sinabi pa roon, “Huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko. Kaya nga sa tuwing may pagkakataon, gumawa tayo ng kabutihan sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya” (TAL. 9-10).
Nais ng Dios na patuloy tayong mamuhay para sa Kanya sa pamamagitan ng pananalangin para sa iba at pagpapahayag ng tungkol sa kabutihan ng Panginoong Jesus. Siya ang makakakita ng resulta nito.