Si Teresa Prekerowa na taga Poland ay isa sa mga kinikilala sa Jerusalem dahil sa kanyang ipinakitang katapangan at lakas ng loob sa pagtulong sa mga Judio noong panahon ng Holocaust. Sila ang mga nasa Poland na ginawang bilanggo ng mga Nazi noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Binuwis ni Teresa ang kanyang buhay para sa kanila.
Kailangan ng lakas ng loob para manindigan laban sa kasamaan. Sinabi ni apostol Pablo sa mga taga Efeso na nagtitiwala kay Jesus, “Ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito (EFESO 6:12).
Mahirap talaga silang maging kalaban dahil hindi natin sila nakikita. Hindi natin sila kayang labanan sa sarili nating lakas. Buti na lang at may inihanda ang Dios para mapagtagumpayan ang mga panlilinlang ni Satanas. Ito ay ang mga kagamitang pandigma tulad ng sinturon ng katotohanan (TAL. 11).
Maipapakita ang lakas ng loob sa pamamagitan ng pakikipaglaban para makamit ang katarungan at pagtatanggol sa mga naaapi. Anuman ang maranasan natin, ipagkakaloob sa atin ng Dios ang lakas ng loob na kailangan natin para mapanindigan at malabanan ang kaaway at ang kanyang mga balak.