Ang awiting pambata na “Twinkle Twinkle Little Star” na isinulat ni Jane Taylor ay tungkol sa kagandahan ng kalawakan na nilikha ng Dios kung saan naroon ang mga bituin. Binanggit pa sa awit na ang mga bituin ay nagniningning sa madilim na gabi.

Hinihikayat naman ni apostol Pablo na mamuhay nang walang kapintasan ang mga taga-Filipos at magsilbing ilaw na parang mga bituin. Sinabi ni Pablo na gawin nila ito habang ipinapahayag nila ang Salita ng Dios (FILIPOS 2:15-16). Paano kaya tayo magiging katulad ng mga bituin? Iniisip natin na hindi natin kayang mamuhay nang walang kapintasan na parang ilaw dahil sa ating mga pagkukulang at limitasyon.

Pero magagawa natin ito sa tulong ng Dios. Kaya tayong baguhin ng Dios na siyang nagdadala ng liwanag dito sa mundo (GENESIS 1:3). Siya rin ang nagbibigay ng liwanag sa ating espirituwal na buhay sa pamamagitan ni Jesus. Dahil kay Jesus, hindi na tayo mamumuhay sa kadiliman o kasamaan (JUAN 1:1-4).

Bilang mga ilaw, kailangan nating magliwanag upang makita at lumapit ang mga tao sa tunay na pinagmumulan ng ilaw. Tulad din ng bituin na may sariling liwanag, mayroon din tayong liwanag na nagmumula sa Dios na magsisilbing liwanag para sa iba. Sa pamamagitan nito, mapaninindigan natin ang salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan sa gitna ng kadiliman. Mailalapit din natin ang mga tao sa tunay na nagbibigay ng liwanag at pag-asa, walang iba kundi si Jesus.