Hinahangaan ko ang pagiging matapang ng aking tiyahin na si Gladys. Gayon pa man, may mga pagkakataon na natatakot ako para sa kanya. Minsan, sinabi niya sa akin sa email, “May pinutol akong puno kahapon.”

Natakot ako dahil matanda na ang tiya ko para pumutol ng puno. 67 taon na siya! Sinabi niya na kailangan na niya itong putulin dahil baka makasira na sa kanilang 'sementong sahig' ang mga ugat ng puno. Pero sinabi niya rin na nananalangin muna siya bago gawin ang isang bagay na katulad ng pagputol ng puno.

Habang nanunungkulan naman si Nehemias para sa hari ng Persia, nabalitaan ni Nehemias ang tungkol sa pagbabalik ng mga Israelita sa Jerusalem. Sa kanilang pagbabalik, marami silang dapat gawin, “Sira pa rin ang pader ng Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito” (NEHEMIAS 1:3). Madali silang lusubin ng mga kaaway kapag sira ang kanilang pader. Dahil doon, nahabag si Nehemias at ninais niyang tulungan sila. Pero bago pa man siya kumilos, nanalangin muna siya. Hindi madali ang pagtatayong muli ng pader lalo na’t pinahihinto ang pag-aayos dito (EZRA 4). Pinanalangin ni Nehemias ang mga taga Juda. Humingi rin siya ng tulong sa Dios bago niya hilingin sa hari na pahintulutan siyang makaalis (NEHEMIAS 1:5-11).

Sa pagharap natin sa anumang pagsubok sa buhay, ang pinakamainam na gawin ay ang manalangin.