Lubos na nahirapan si Angie sa eskuwelahang pinapasukan niya dahil puro matatalino ang mga kaklase niya. Nahirapan siyang makipagsabayan sa kanila. Nang ilipat na si Angie sa isang ordinaryong paaralan, nalungkot siya at ang kanyang mga magulang. Sa bansang Singapore kasi kung saan siya nag-aaral, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng maayos na trabaho ang mga nakatapos sa magagandang eskwelahan kaysa sa nakatapos lang sa mga ordinaryong paaralan.
Bigo ang pakiramdam ni Angie at ng kanyang mga magulang. Gayon pa man, naging masaya si Angie sa bago niyang eskuwelahan. Naramdaman niyang tanggap siya roon dahil kaparehas niya ng antas ng talino ang mga kaklase niya.
Naalala ko dahil dito si Zaqueo at kung gaano siya kasaya nang sinabi ni Jesus na bibisitahin Niya ito sa kanyang bahay (LUCAS 19:5). Ramdam ni Zaqueo na tanggap siya ni Jesus kahit na isa siyang makasalanang maniningil ng buwis. Nais ni Jesus na makisalo sa mga taong inaaming makasalanan sila at hindi karapat-dapat na pakitaan ng Dios ng kagandahang loob (TAL. 10). Tinanggap at minahal tayo ni Jesus at ipinangako Niya na babaguhin Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Babaguhin Niya tayo sa pamamagitan lamang ng Kanyang kagandahang-loob.
Nahihirapan pa rin ako lalo na kapag naiisip ko na hindi ko nagbibigay-lugod ang Dios dahil sa mga maling nagagawa ko. Pero napapanatag ako sa katotohanang tanggap ako ni Jesus at ang Banal na Espiritu ang patuloy na nagbabago sa akin para lalo kong maging katulad si Jesus