Marami akong nagawa noon na hindi kalugod-lugod sa Dios. Takot akong malaman ng iba ang pangit kong nakaraan. Kaya nang ayain ko sa bahay ang kapwa ko mananampalataya, sinikap kong itago ang tunay na kalagayan ng puso ko. Nilinis kong mabuti ang bahay, nagluto ng masasarap na pagkain at nagsuot ng pinakamaganda kong damit. Sa pamamagitan noon, maiisip niya na perpekto ako at ang aking buhay.
Pero bago dumating ang bisita ko, nasira ang gripo sa aming bakuran kaya nabasa ako at pinalitan ang aking damit. Sa pagkakataong iyon ay nagpasya akong sabihin ang totoo sa bisita ko na binalak kong magkunwari sa kanya. Sinabi naman niya na siya rin ay may hindi magandang nakaraan kaya parehas lang kaming lingkod ng Dios na hindi perpekto.
Hindi naman naging hadlang kay apostol Pablo sa paglilingkod niya sa Dios ang madilim niyang nakaraan (1 TIMOTEO 1;12-14). Dahil alam ni Pablo na iniligtas at binago siya ni Jesus, nagpuri siya sa Dios at hinikayat ang iba na sundin at parangalan si Jesus (TAL. 15-17).
Pinalaya na tayo mula sa ating nakaraan dahil sa kagandahang-loob at kapatawaran ni Cristo. Hindi man tayo perpekto, minamahal tayo nang lubos ni Jesus. Hindi na tayo dapat magkunwari o mahiya. Sa halip, maglingkod tayo ng tapat sa Dios at sa ibang tao.