Tinanong ang mamamahayag na si Bob Dylan kung umaasa pa siyang magkakaroon ng kapayapaan. Sinabi niya na hindi na. Umani ito ng batikos pero hindi naman maikakaila na mailap talaga ang kapayapaan.
Maraming taon bago naparito si Jesus sa mundo, ipinahayag ng mga huwad na propeta na magkakaroon ng kapayapaan, pero hindi iyon ang sinabi ng propeta ng Dios na si Jeremias. Ipinaalala niya sa mga Israelita ang sinabi ng Dios, “Sundin ninyo Ako, at Akoʼy magiging Dios nʼyo at kayoʼy magiging mga mamamayan Ko” (JEREMIAS 7:23). Hindi sila nakinig, paulit-ulit nilang binalewala ang Dios at ang Kanyang mga utos. Sinabi ng mga huwad na propeta na magiging mabuti ang lahat (8:11) pero magkakaroon ng kaguluhan ayon kay Jeremias. Iyon nga ang nangyari, nasakop ng Babilonia ang Jerusalem noong 586 BC.
Bagamat puro kaguluhan ang mangyayari, makakaasa tayo na may Dios na walang-sawang nagmamahal sa atin. Sinabi ng Dios, “Inibig Ko kayo ng walang hanggang pagibig…Muli Ko kayong itatayo, kayong mga taga-Israel” (31:3-4).
Ang Dios ay Dios ng pag-ibig at kapayapaan. Ang kasalanan ang naging hadlang para magkaroon tayo ng kapayapaan. Pero naparito si Jesus para ipagkasundo tayo sa Dios, “Dahil sa pananampalataya natin sa ating Panginoong Jesu-Cristo, mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios” (ROMA 5:1). Nais ni Jesus na magkaroon tayo ng tunay na kapayapaan.