Nahirapang mag-aral ng ice skating ang mga anak ko noong mga bata pa sila. Takot sila na madulas sa matigas na yelo dahil alam nila na masasaktan sila. Sa tuwing nadudulas naman sila at nahihirapang tumayo, tinutulungan naming mag-asawa na makatayo ang mga anak namin nang maayos.
Mababasa naman natin sa aklat ng Mangangaral na isang pagpapala ang pagkakaroon ng taong tutulong sa atin. Sinabi roon na, “Mas mabuti ang may kasama kaysa mag-isa; mas marami silang magagawa” (4:9).
Kapag dumaranas tayo ng pagsubok, malaki ang maidudulot ng pagbibigay ng suporta at tulong ng isang kaibigan. Nagiging kaaliwan sila at nagbibigay sa atin ng lakas.
Kapag dumaranas ka ng pagsubok, mayroon bang handang tumulong sa iyo? Kung mayroon, maaaring mula iyon sa Panginoon. May pagkakataon din ba na may nangangailangan na isang kaibigan at ikaw ang nais ng Dios na tumulong sa kanya? Madali lang makahanap ng taong tutulong sa atin. Pero sa panahon na wala talaga tayong malalapitan, isang kagalakan para sa atin na malaman na laging handang tumulong ang Dios sa oras ng kagipitan (SALMO 46:1). Kung lalapit tayo sa Kanya, handa Siya na tulungan tayo at ayusin ang ating pagkakatayo.