Ang pinakamalungkot na Pasko na naranasan ko ay noong nasa bahay ako ng aking lola sa bansang Ghana. Malayo kasi ako sa aking magulang at mga kapatid. Tahimik at malungkot ang Paskong iyon ‘di tulad ng mga nakaraang Pasko kung saan kasama ko ang aking pamilya at mga kaibigan sa aming lugar.Ang pinakamalungkot na Pasko na naranasan ko ay noong nasa bahay ako ng aking lola sa bansang Ghana. Malayo kasi ako sa aking magulang at mga kapatid. Tahimik at malungkot ang Paskong iyon ‘di tulad ng mga nakaraang Pasko kung saan kasama ko ang aking pamilya at mga kaibigan sa aming lugar.
Minsan, habang nakahiga ako, naalala ko ang isang kanta tungkol sa pagsilang ng Anak ng Dios. Paulit-ulit ko itong kinanta. Nagtanong ang lola ko, “Anong kanta iyan?” Walang alam ang lolo’t lola ko tungkol kay Jesus at sa Pasko kaya ikinuwento ko sa kanila ang mga nalalaman ko tungkol doon. Ang pangyayaring iyon ang pumawi sa aking kalungkutan.
Nakaranas din ng kalungkutan si Haring David. Noong pastol pa lamang siya, nalungkot siya dahil lagi siyang mag-isa sa pastulan. Pero hindi lang iyon ang pagkakataon na nalungkot siya. Kalaunan sa kanyang buhay, sinabi niya, “Ako’y nalulungkot at nahihirapan” (SALMO 25:16 ABAB). Gayon pa man, hindi hinayaan ni David na panghinaan ng loob dahil sa kanyang kalungkutan. Sinabi niya na sa Dios siya umaasa (TAL. 21).
Lahat tayo ay nakakaranas din ng kalungkutan. May kasama man tayo o wala ngayong Pasko, maaari pa rin nating maipagdiwang nang may kasiyahan ang Pasko dahil kasama natin ang Panginoong Jesus.